Isang librong inilathala noong
isang taon lamang ang aking napiling pag-aralan. Nilikha ito ng isa sa mga
pinakamabentang Pilipinong manunulat ng aming henerasyon. Ang “Lumayo Ka Nga SaAkin” ni Bob Ong ay hindi isang nobela. Ito ay nakasulat sa istruktura ng
isang iskrip ng pelikula o palabas sa telebisyon. Nahahati ang libro sa tatlo:
ang “Bala sa Bala Kamao sa Kamao Satsat sa Satsat,” ”Shake Shaker Shakest,” at “Asawa
Ni Marie.” Ang mga kuwento ay maituturing na films within films o films
within a book kung saan mismong ang mga karakter ang pumapansin sa palpak
na pagkakasulat ng iskrip. Tinutuya rito ang mga pelikulang Pilipino at mga
artistang kabilang dito, partikular na ang mga action, horror at romantic
movies.