14 May 2012

Pagtuya sa Sineng Walang Sining

Isang librong inilathala noong isang taon lamang ang aking napiling pag-aralan. Nilikha ito ng isa sa mga pinakamabentang Pilipinong manunulat ng aming henerasyon. Ang “Lumayo Ka Nga SaAkin” ni Bob Ong ay hindi isang nobela. Ito ay nakasulat sa istruktura ng isang iskrip ng pelikula o palabas sa telebisyon. Nahahati ang libro sa tatlo: ang “Bala sa Bala Kamao sa Kamao Satsat sa Satsat,” ”Shake Shaker Shakest,” at “Asawa Ni Marie.” Ang mga kuwento ay maituturing na films within films o films within a book kung saan mismong ang mga karakter ang pumapansin sa palpak na pagkakasulat ng iskrip. Tinutuya rito ang mga pelikulang Pilipino at mga artistang kabilang dito, partikular na ang mga action, horror at romantic movies.

21 December 2011

Movie Appreciation 101

I took Film 10 as a personal choice, not because I was simply in desperate need for another subject under the Arts and Humanities domain but because of my genuine fondness for movies (with the exception of horror films). I would have to say that the most significant lesson I have learned from our Film class is evidently the utmost appreciation for any category of motion picture, most especially the reception to its aesthetics and technicalities.

18 December 2011

Neigh Kid Pee Pole

Isa ako sa mga mapalad na walang klase nang maganap ang The Great Oblation Run noong ika-15 ng Disyembre 2010. Ang Oblation Run ay taunang isinasagawa ng Alpha Phi Omega o APO Fraternity. Nakatatak sa mga damit ng mga miyembrong hindi tatakbo ang mga katagang “who bought who bad too mock boo” (hubo’t hubad tumakbo). Ayon sa APO Fraternity, ang Oblation Run daw ay “the ritual dance of the brave.” Kapag matapang ka, ikaw ay malaya. Ito ang ipinapahiwatig ng higit sa labinlimang lalakeng pumarada ng hubo’t hubad sa Palma Hall Lobby ng UP Diliman, Miyerkules nang tanghaling tapat.


Bago mag-umpisa ang pagtakbo ng mga frat boy, nagtanghal muna ang KONTRAGAPI na ginagawa ang kanilang makakaya upang makakuha ng atensyon, gayong alam naman ng lahat na ang hinihintay ng mga tao ay ang parada ng mga ulong may takip at mga ulong wala. Iba-ibang grupo ng mga tao ang nandoon, hindi lang mga iskolar ng bayan. Dinadayo ang kaganapang ito maging ng mga tagapagbalita, lalo na ng mga bading na ang pakiramdam ay tila bang langit ang pinuntahan, mga baklang maririnig mong sumasambit ng, “Ang Portugal naman” (Ang tagal naman.).