18 March 2013

Analysis: "Speak No Evil: Melancholy of a Space Mexican"


              Using the Postcolonial and Proletarian theories of literature, we are able to examine the story “Speak No Evil: Melancholy of a Space Mexican.” The title itself assumes that someone is being silenced and implies that his words would only cause someone something bad. The setting is in a place far away from the protagonist’s family and culture. The first line “Like many migrant workers…” indicates that the people are forced to undergo the split-dimensional surgery for the sake of work.  Even though “The process was quick and painless,” this is a comparison to how colonization is first presented to colonies. Colonizers would silence the people and make them believe that it is for their benefit, saying that it would be “safer” for them. The word “safer” also indicates that danger is still possible. There is also a random line “Don’t touch me” in the story while the surgery was ongoing. It is vague whether the Mexican’s family member or the doctor said it, but both indicate the lack of feeling towards each other of the two characters.
                It is said that the blocks are kept on Earth, indicating that the workers’ freedom of speech, which may represent freedom itself, is just housed and trapped in their homeland. Even if the mouths are regularly fed and can freely breathe clean air, it is still for the advantage of the corporation (the controllers) since they would be able to save money used to care for the masses. The song that united most of the workers, “Besame Mucho,” indicates that most, if not all of them, are Mexican. They are united by something that the colonizers will never appreciate.
                Having taken up basic Spanish courses, I noticed that the translation from English to Spanish of the lines used in the story was not correct. These intentional mistakes can mean three things. First, it may be that the translator around the boss’s neck is the one that simply made the mistake, which is highly unlikely. Second, it is the boss’s thoughts about the Mexican that came out instead of the sugarcoated words he wanted to say. Third, it may be what the Mexican thought he heard or anticipated to hear, since he already has the strong perception that people like him are always insulted by those who are in a higher position. Calling someone Húmedo-Espalda (wet-back), a derogatory word used to call an illegal immigrant in the United States of America, could be the highest insult. Add to that being previously called a perro (dog). On the other hand, the bad effect is still on the worker, and the authorities are not affected at all by the rebellion of one person. Even though the Mexican has now finished working in the mine, the impact is still felt. The struggle is still there. This is the same in post-colonization. Everything is affected and everyone knows who the colonies or lower people are. The lower class will continue to be colonized--an illustration of a cyclical process of experience.

(Submitted in partial fulfillment of English 11 under Prof. Rapunzel Tomacder)
February 2012

Etikang Tagalog Man Noon, Etikang Pilipino Na Ngayon

Bago ako pumasok ng PI 100, ni hindi ko alam na mayroong ikatlong nobelang sinubukang gawin si Dr. Jose Rizal. Ito ang halimbawa ng napakalaking kontribusyon ng kursong ito: ang malaman ang lahat-lahat tungkol kay Rizal at bigyan ng importansya ang mga layunin niya para sa mga Pilipino. Gayunpaman, walang nagbago sa aking pananaw sa tinaguriang pambansang bayani. Sa totoo lang, wala namang maituturing na espesyal sa naisulat ni Rizal sa kanyang hindi tapos na ikatlong nobela kumpara sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sinasabi kong walang bago rito dahil nga hindi ito kumpleto; kahit ganito, halatang papunta ang istorya sa mas satirikal ngunit mas matapang na paglalahad ng mga tunay na kilos at kaugalian ng mga Tagalog noong panahong sinakop ang Pilipinas ng mga kura. "Kura" ang ginamit kong salita at hindi ang kadalasang ginagamit na "Espanyol" dahil mula sa aking nabasa, hindi naman tinuligsa ni Rizal ang Espanya. Hindi niya layuning magseryoso at humingi ng pansin at tulong sa mga taga-ibang bansa. Kumpara sa mga naunang nobela ni Rizal, hindi naman reporma ng Pilipinas bilang isang bansa ang tunay na pokus ng istorya kung hindi reporma ng bawat indibidwal.

Ang maituturing pang talaga namang kakaiba sa librong ito ay kung sino ang gusto ni Rizal na magbasa ng kanyang ikatlong nobela. Naniniwala akong ang layunin ni Dr. Nilo S. Ocampo bilang tagasalin ng Etikang Tagalog ay ang maisakatuparan ang orihinal na layunin ni Jose Rizal: ialay ito para sa mga Tagalog (o Pilipino) at wala ng iba pa sa wikang alam na alam natin at siguradong atin. Bonus na lamang kung mayroong mga dayuhan na makakabasa nito. Nailarawan sa libro ang pagiging mapaniwalain ng mga Tagalog (na sa aking opinyon ay maaari rin namang gamiting paglalarawan na sa lahat ng mga Pilipino). Marahil ay gustong sabihin ni Rizal na oo, makapangyarihan ang kura ngunit hindi ito sapat na dahilan upang maging makitid ang utak ng mga taong nakapaligid sa kanya. Naniniwala akong hindi gustong insultuhin ni Rizal ng tuwiran ang kanyang mga kababayan kung kaya naman ang ginamit niyang paraan ay ang pagpapatawa. Hindi masamang tao si Rizal dahil sa kanyang paunti-unting pagbatikos sa mga Pilipino; nararapat pa ngang ipagpasalamat ng lahat ang kanyang nais dahil ginusto lang namang buksan ni Rizal ang mga mata ng mga Pilipino sa mga simpleng bagay na maaari naman nating baguhin at itama at walang kinalaman sa pulitika o relihiyon.

Sa papel na ito, hindi ko lamang nais bigyan ng pansin ang kuwento ng nobela kung hindi pati na rin ang pagkakalimbag nito. Kinilatis ko maging ang mga larawang kasama sa libro. Naaliw ako sa mga guhit ni Roberto P. Acosta dahil kung isasama ang pabalat, nipis, at liit ng libro, maihahalintulad ito sa isang children's storybook, idagdag pa rito ang maiiksing paghahati-hati ng tagasalin ng mga kabanata. Isa pang nakakaaliw isipin ay ang katotohanang mas marami pa ang impormasyong makukuha sa introduksyon ng libro kumpara sa istorya nito dahil nga sa sobrang iksi ng natapos na manuskrito ni Rizal. Napakamalaman ng kasaysayang isinulat ng tagasalin—pinatunayan ditong nararapat talagang purihin si Rizal bilang manunulat at walang dudang si Rizal nga ang sumulat ng Etikang Tagalog. Base sa paraan ng pagkakalimbag, kahit sinong Pilipino ay hindi mahihirapang intindihin ang libro.

Para sa akin, hindi naman kailangang ilagay pa ang orihinal na kopya ng lahat ng kabanata ng sulat-kamay na manuskrito ng ikatlong nobela ni Rizal dahil hindi naman din ito malinaw na nababasa. Kung mayroon man akong ikinatuwa rito, iyon ay kung paano naipakita ang kredibilidad at iba't ibang katangian ni Rizal bilang lehitimong manunulat: mayroon na agad siyang titulo (maging ito man ay para sa iisang kabanata lang o para na sa buong libro) at mayroong mga linya, salita o maging mga mahahabang mga talata na pinapalitan, tinatanggal o dinadagdagan at ipinagbuti. Kakatwa ring hindi napigilan ni Rizal na gamitin pa rin ang wikang Espanyol sa pagsulat ng kanyang nobela sa kabila ng idinidiin niyang pagpapahalaga sa sariling wika. Ang aking mga nabanggit ay mga patunay na hindi perpekto si Rizal pagdating sa paglikha ng mga kuwento at kagalingan sa wikang Filipino; ang katotohanang ito ay hindi dapat gamitin upang bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa tinaguriang pambansang bayani ng bansa dahil larawan lamang ito na siya ay isang totoong tao na nagsikap pa ring makagawa ng makabuluhang istorya na para pa rin naman sa mga Pilipino.

Sa unang talata, maganda ang deskripsyon sa bayan ng Pili kung saan naganap ang nobela. Sa ikawalang talata, ipinakitang sa aspeto ng relihiyon ay nalalaman ang lahat ng tungkol sa bayan. Sa paglalarawan kay Padre Agaton, puro mabubuting bagay ang binanggit ngunit ang mga ito ay walang kinalaman sa nakagisnan nating responsibilidad ng kura (“…nakakababa sa kanyang matayog na misyon: kailangan isa itong marangyang seremonya...Sa gayon mamamalas siyang maringal at maharlika”, p. 52). Maihahalintulad ito sa paglalarawan kay Padre Irene sa unang kabanata ng El Filibusterismo ni Rizal kung saan walang kinalaman sa kanyang pagiging pari ang pagsasabing maayos ang kanyang pagkakaahit at iba pang mga binanggit na puro panlabas na katangian lamang.

Kakaiba rin ang umpisa ng nobela dahil mayroong malinaw na kontrabida ang istorya ngunit sa kabilang banda ay walang malinaw na bida. Hindi ko alam kung opinyon ko lamang ito ngunit kung ang Noli Me Tangere ay may Crisostomo Ibarra at ang El Filibusterismo ay may Simoun, babae ang pinakanakakapukaw ng pansin sa Etikang Tagalog: ang itinuturing na Perlas ng Pili na si Cecilia. Nakalulungkot lamang na ang ideya ni Rizal ng pagiging satirikal ay ang gamitin ang babaeng tauhan at pagnasaan ito ng mga lalakeng tauhan. Halimbawa nito ay ang pangungusap na "Dumidinig sila sa misa mayor dahil sa grandeng katangian nito sa musika, pagbibigkas atbp., at para masilayan mangyari pa ang mga dalagang sa oras din iyong nagsisimba” (p. 34). Sunod sa importansya ng binibining ito sa kuwento ay ang kahalagahan ng mga kabataan at kalalakihan at kung paano umasta ang mga Pilipinong ito noong unang panahon sa pamamagitan ng paglalarawan ni Rizal ng larong tuktukan nina Silvino at Ape, at ng labanan sa eleksyon sa pagitan nina Kapitan Panchong at Kapitan Crispin na maaari rin namang ituring na isang delikado at maruming laro rin lang naman. Ipinakita naman ang walang kapantay ng pagmamahal ng magulang—partikular na ang nanay—sa anak sa katauhan ng mag-inang Anday at Felicidad.

Hindi madali para sa akin ang magbasa ng mga libro ni Rizal dahil hindi ako Katoliko. Sa kabilang banda, walang duda na napakadetalyadong magsulat ni Rizal kung kaya't kahit sinong Pilipino ay makakaintindi nito sa kabila ng mga malalim na salitang ginamit reperensiya sa mga kaugaliang Katoliko. Mayroon lamang mga paisa-isang mahirap bigyan ng kahulugan tulad ng paglalarawan kay Kapitana Barang na isang babaeng mataba ngunit mayroong mga mabutong daliri (p. 34). Marahil ang mga ganitong maliliit na detalye ay naipagbuti sana ni Rizal kung natapos niya ang kanyang ikatlong nobela.

Nakalulungkot mang hindi natapos ni Dr. Jose Rizal ang kanyang nobela, hindi ito dapat panghinayangan. Hindi lang naman ang mga naisulat ng pambansang bayani ang pruweba ng kanyang kagalingan; ang kalagayan natin ngayon bilang malayang bansa at mapag-isip na mga tao ay produkto ng naipaglaban ni Rizal bago pa man nadiskubre ang hindi tapos na ikatlong nobelang ito.

Sanggunian:
Ocampo, Nilo S. tagasalin. 2012. Etikang Tagalog: Ang Di-Tapos na Ikatlong Nobela ni Rizal. Lungsod Quezon: Lathalaing P.L.

(Submitted in partial fulfillment of the requirements of PI 100 under Prof. Nilo S. Ocampo)
February 2013